-- Advertisements --
image 741

Magpapatayo ang pamahalaan sa mga komunidad ng mga evacuation center na resilient o hindi madaling matibag sa anumang mga kalamidad.

Ito ang ibinunyag sa third quarter full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Binigyang diin ng konseho ang pangangailangan ng naturang mga struktura sa isang bansa gaya ng Pilipinas na madalas na tamaan ng mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan. Isa din sa naging sentro ng pagpupulong ang status at enhanced design ng mga evacuation center.

Ang Office of the Civil Defense at Department of Public Works and Highways ay ang nangunguna sa pag-develop ng improved design ng evacuation centers gayundin ang prioritization mechanism sa pamamagitan ng risk-based assessments, considerations at updates sa lokasyon at site suitability, structural at building capacity at minimum design standards.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., na nagsisilbi ding chairperson ng NDRRMC, na naguna sa council meeting, sinabi nito na ang panukalang improved design ng evacuation centers ay nakatakdang isapinal pa lamang ng mga concerned government agencies.

Ang mga panawagang pagtatayo ng permanenteng evacuation centers ay madalas na idinudulog ng mga nadidisplace na mga residente sa tuwing may mg kaalamidad na pansamanatalang inililikas sa mga covered courts, paaralan at multi-purpose buildings.

Matatandaan na una ng ipinunto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagtatayo ng matatag na evacuation centers sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng emergency.