-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakatakdang bumiyahe patungo sa Dhaka, Bangladesh si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Director Arnel Garcia upang ibahagi ang ilang ipinapatupad na programa sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa opisyal, inimbitahan umano ito ng Bangladeshi government na magtungo sa bansa mula sa Setyembre 1 hanggang 4 upang ibahagi kung paano isinasagawa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Paliwanag nito, napabilib ng programa ang mga matataas na opisyal sa naturang bansa nang minsang bumisita ang mga ito sa rehiyon.

Dagdag pa ni Garcia na nagpahayag rin ang Bangladesh nilalayong gawing modelo ang Bicol sa sustainable livelihood, disaster response at protection program.

Plano rin ng mga opisyal ang conditional cash transfer kagaya ng ginagawa sa rehiyon.

Napag-alamang kabilang sa naturang pag-uusap ang World Bank, Asian foreign assistance ng United Kingdom at iba pang grupo.