Nakahanda ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team ng Philippine Navy na umalalay sa mga mamamayan sa Northern Luzon na kasalukuyang dumaranas ng pagbayo ng bagyong Julian.
Ayon sa Naval Forces Northern Luzon, naka-standby ang Naval Task Force 14 (NTF14) para sa deployment sa iba’t-ibang lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Ang naturang task force ay binubuo ng mga personnel na may kasanayan sa humanitarian at disaster response, search and rescue operations, retrieval operations, atbpa.
Nag-deploy na rin ang PN ng mga liaison personnel sa iba’t-ibang disaster and risk reduction council para tumulong sa iba’t-ibang kapasidad at magkaroon ng mas maayos na koordinasyon.
Ayon sa NFNL, nakahanda rin ang mga kagamitan ng Navy tulad ng mga banka, truck, at iba pa, para magamit sa anumang pangangailangan mula sa evacuation, rescue, at relief operations sa mga apektadong komunidad.