KALIBO, Aklan — Namemeligrong makasuhan ang mga special disbursement officer ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa paggastos sa confidential funds na umaabot sa P612.5 million.
Ayon kay Aklan 2nd district Congressman Ted Haresco, sa nagpapatuloy na hearing ng Quad Committee, may nakita umanong mga fictitious at erroneous na acknowledgement receipts na ginamit upang ma-justify ang paggastos ng naturang pondo.
Dagdag pa nito na responsibilidad ng mga special disbursement officer ang paghawak ng pondo, subalit kahit sila ay hindi masagot kung saan napunta ang pera.
Ang pagbibigay aniya ng confidential fund sa hindi otorisadong indibidwal ay paglabag sa protocol.
Naniniwala rin si Cong. Haresco na alam ng mga tauhan ni Duterte ang mga irregularities na kanilang ginawa.
Nadiskubre umano sa hearing na ilan sa kontrobersiyal na pondo ay inilaan sa security ni Duterte na umaabot sa mahigit 300 at kinuhang 11 safe house ng Department of Education na may montly rental na P500,000.