-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang posibleng motibo sa pamamaril sa isang media practitioner sa Brgy. Managa-Naga, Bulan, Sorsogon.

Nakilala ang biktima na si Ric Ian Bill De Leon, 29-anyos, isang disc jockey sa Padaba FM radio at residente ng naturang lugar.

Ayon sa report ng PNP, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa Bulan PNP hinggil sa pamamaril sa biktima.

Nabatid na nagtamo ito ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naitakbo pa sa Bulan Medicare Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Samantala, patuloy na inaalam ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril.