CENTRAL MINDANAO-Magpapatud na ng discipline hours ang lokal na pamahalaan ng Midsayap Cotabato umpisa ngayong araw.
Mula February 10, 2023, ipatutupad na ang “DISCIPLINE HOURS,” na base sa inilabas na Executive Order No. 69 ni Midsayap Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan. Striktong ipatutupad din sa buong bayan ang CURFEW FOR MINORS, mula 10 PM to 4 AM, na base sa Ordinance No. 329 of 2017.
Magkakaroon rin ng liquor ban mula alas 12:00 hanggang alas 5:00 ng umaga.
Layon ng pagpapatupad ng Discipline Hours ang pagsiguro ng seguridad at kaligtasan ng mga Midsayapenyos. Bunga ng pagsiklab ng mga kaso ng aksidente, krimen, at nakabubulahaw na ingay sa dis-oras ng gabi dahil sa sobrang kalasingan, isinulong ni Mayor Rolly Sacdalan ang regulasyon at kaayusan sa mga entertainment joints at maging sa mga residential areas.
Ang mga tauhan ng Midsayap PNP katuwang ang mga sundalo at mga Force Multipliers ang magpapatud ng discipline hours kasama ang LGU.
Maglilibot ang Alkalde ng bayan para matiyak na mahigpit na naipatupad ang discipline hours.