-- Advertisements --

Inanunsyo ng Meralco (Manila Electric Company) na suspendido muna uli ang kanilang disconnection activities hanggang sa darating na May 14.

Ito’y kasunod ng pagpapalawig ng gobyerno sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Gayunman, sa kabila ng MECQ ay ipagpapatuloy pa rin nila ang nakagawiang operasyon gaya ng meter reading, pag-deliver sa electric bill, at 24/7 na standby crew upang makapagresponde agad sakaling may mangyaring emergency.

“Given the current situation and the extended MECQ, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times,” ani Meralco FVP at chief commercial officer Ferdinand Geluz.

Kasabay nito ay hinihikayat ng kompanya na magpadala muna ng mensahe sa kanilang hotline at mga social media accounts bago magtungo sa Meralco business centers na mayroon lamang skeleton force.