-- Advertisements --
image 198

Itinutulak ni Quezon City Representative Marvin Rillo na palawigin ang transportation and road use privileges ng mga senior citizen.

Sa kanyang House Bill 5277, ipinapanukala na bigyan ng diskwento mula sa toll fees sa expressways at skyways ang mga senior citizen.

Nasa 20% ang makukuhang discount ng senior citizen sa toll fee gamit ang RFID o kahalintulad na pamamaraan.

Kailangan lamang na nakarehistro sa senior citizen ang sasakyan at ipresinta ang kanyang ID oras na mag-apply para sa RFID installation.

Sa kasalukuyan, ang diskwento sa transportasyon ng mga senior ay sa airline and ship passenger tickets, railways, at public utility vehicles, gayundin sa airport at seaport terminal fee.

Samantala, isang hiwalay na panukala ang inihain ni Rillo para naman sa diskwento ng mga person with disabilities sa toll prices