Nakatanggap muli ng pagkilala ang bagong bagong P1,000 polymer banknote ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nasungkit nito ang High Security Printing Asia’s“Best New Banknote Award” para sa nakaraang taon na 2023.
Ang awarding ay ginanap sa Colombo, Sri Lanka.
Ang naturang award category nagbibigay pagkilala sa mga natatanging banknotes and series na may outstanding design, technical sophistications, at security achievements.
Kabilang na rito ang mga banknotes na sumasalamin sa cultural heritage at simbolismo sa bansang pinanggalingan nito.
Taong 2022, ng nagwagi rin ang P1,000 polymer banknote bilang “Banknote of the Year Award” ng International Banknote Society.
Nasungkit naman ng communication campaign ng BSP ang “Best New Currency Public Engagement Program” mula sa International Association of Currency Affairs noong buwan ng Marso na taong 2023.
Maalalang noong 2022 nanalo rin ang P1,000 polymer banknote bilang “Banknote of the Year Award” ng International Banknote Society.
Bukod sa P1,000 polymer banknote ng BSP, nakuha rin ng PhilID o ang national ID ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Identification System ang “Best New National ID Card Award” 2023.