-- Advertisements --
daniel dela cruz

Ilang buwan na lamang ang natitira at magbubukas na ang kapana-panabik na 30th Southeast Asian Sea Games na gaganapin sa Pilipinas.

Sa ginanap na “100 Days Countdown to the 30th Sea Games and Unveiling of Torch” sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, opisyal nang isinapubliko ang final torch design na gagamitin para sa 12-day multi-sport meet sa Philippine Arena.

Hango ito sa Sampaguita na pambansang bulaklak ng Pilipinas at idinisenyo ng sikat na Filipino metal sculptor na si Daniel Dela Cruz. Makikita rin sa sentro nito ang naka-ukit na mapa ng Pilipinas.

Team work umano ang kinailangan upang makumpleto ni Dela Cruz ang disenyo ng torch kung saan hangad niya na makita ang ngiti sa labi ng mga Pilipinong makakakita ng kaniyang pinaghirapan maging ang palakasin na rin ang loob ng mga atletang Pilipino.

Nakatakdang ganapin sa November 11- December 30 ang Sea Games 2019 na lalahukan ng 11,000 athletes mula sa 11 bansa.