-- Advertisements --

Nagbabala ang isa sa pangunahing disinfectant company sa panganib ng kanilang mga produkto sa katawan ng tao.

Ayon kay Reckitt Benckiser ang may-ari ng mga produkto gaya ng Lysol at Dettol ay hindi dapat inumin o kahit ipa-inject.

Ang lahat aniya ng uri ng disinfectants ay may nakakalasong sangkap na maaaring ikamatay ng isang tao.

Reaksyon ito ng kumpanya sa naging pahayag ni US President Donald Trump na maaaring gumamit ng mga disinfectant bilang injection para sa paglaban ng mga nadapuan ng coronavirus na umani ng batikos.

Agad namang dumepensa ang White House at sinabing na mis-interpreted lamang ang US President sa naging pahayag nito.