-- Advertisements --

circle1

Regular o araw-araw nang nagsasagawa ng disinfection ang mga safety officers ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) sa premises ng Quezon Memorial Circle na isa sa mga lugar na pinapayagan ang mga bata o menor-de-edad bastat kasama ang kanilang mga magulang.

Layon ng pamahalaang lokal na matiyak na sanitized at nasusunod ang health and safety protocols sa loob ng parke.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte may mga measures na ipinatupad ang siyudad para masunod ang allowable park capacities.

Pinatitiyak ng alkalde na ang bawat zone ay binakuran at mayruong designated entry at exit points na babantayan ng mga City enforcers.

Pinatitiyak ng alkalde na may mga signages na nakalagay ng capacity limits at paalala sa mga bisita na striktong sundin ang minimum health standards sa loob ng parke.

circle2

Ang mga identified zones sa loob ng QMC na tinukoy na maaring puntahan ng mga bisita ay ang mga sumusunod:
Zone 1 – Picnic Area and Playground
Zone 2 – Fitness Trail and Planas Garden
Zone 3 – QCX Open Grounds
Zone 4 – Peace Bell, Runner Garden, at Fern Garden
Zone 5 – Tropical Garden
Zone 6 – Flower Garden
Zone 7 – Rock Garden

Karamihan sa mga tinukoy na zones ay mga lugar na maaaring puntahan ng bawat pamilya at maaari din silang mag exercise gaya ng paglalakad na napapanatili ang social distancing.

Nasa 80% capacity limit ang bawat zone sa Quezon Memorial Circle.

Ang entrance at exits ng mga sasakayan ay sa bahagi ng East Avenue and Commonwealth Avenue na mamanduhan ng Task Force for Transport and Traffic Management.

Kapag magtutungo sa QMC, dapat iprisinta ng mga adults ang kanilang vaccination cards at ang kanilang Kyusi Pass QR codes.

Ayon kay Belmonte may mga nakadeploy na safety officers mula sa Task Force Disiplina, at mobile patrol ng Quezon City Police District (QCPD) na siyang mag-iikot sa loob ng parke para imonitor ang safety and security ng QMC grounds.

Naglagay na rin ang siyudad ng washing and sanitation areas sa bawat zone para mapanatili ang kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 virus.

Ang QMC ay bukas sa publiko simula November 2 hanggang November 5, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.