-- Advertisements --
Duterte PMA 2019

BOMBO BAGUIO – Ibinahagi ni Presidente Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagtatapos ng mga kadete na bumuo sa PMA MABALASIK (Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan) Class 2019 na naganap sa Fort Del Pilar, Baguio City nitong Linggo.

Sa kanyang talumpati sa programa, sinabi niyang disiplina at pagpapakumbaba ang mahalagang baon ng mga ito gayundin ang pagrespeto at pagsunod sa mga senior officers, professors, enlisted personnel at mga sibilyan.

Dinagdag pa ng Pangulo na dapat isapuso ng mga kadete ang disiplina para sa ikabubuti ng mga ito lalo na ang kanilang kinabukasan.

Sinabi rin niya na kailangang magkaisa ang mga graduates at walang sinuman ang maiiwan.

Hiniling din ni Presidente na maging matapang ang mga ito lalo na sa pagsisilbi sa bayan maging ang pagkakaroon ng magagandang kaugalian at ang pagproprotekta sa mga Pilipino para sa soberenya at pagtatanggol sa teritoryo ng Pilpinas.

Sa huli, hinamon nya ang mga kadete na maging matapang at maging handa silang mamatay alang-alang sa pagsisilbi sa bayan.