Hangad ni Philippine National Police (PNP) chief police dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong Pasko na magkaroon ng disiplinadong mga tauhan.
Sa mensahe ni PNP chief sa PNP PASKUHAN 2017 sa Kampo Krame, sinabi nito na sana sa Pasko ay wala na siyang mababalitaang pulis na umaabuso at hindi sumusunod sa batas.
Bagkus ay mga pulis na disiplinado at hinahangaan sa kanilang serbisyo.
Hindi maipagkaila na isa sa mga dahilan ng sinasabing pagsablay ng war on drugs ng PNP ay dahil na rin sa ilang mga tiwaling pulis.
Ito ang dahilan kung kayat pinaigting ang internal cleansing sa PNP.
Sa kabilang dako, kahit masama ang lagay ng panahon ay itinuloy ang taunang Paskuhan sa Camp Crame.
Sa nasabing aktibidad, kasama ng mga pulis at mga non-uniformed personnel ang kani-kanilang pamilya para makiisa sa maagang Christmas celebration kasama ang mga matataas na opisyal ng PNP.