Inamin ng isa sa main man ng Miami Heat na si Jimmy Butler na wala silang gagawing malaking pagbabago sa diskarte sa harapan nila ng Los Angeles Lakers simula bukas.
Ayon kay Butler, epektibo ang kanilang sistema na siyang nagdala sa kanila ngayon sa championships.
Gayunman aminado ito na hindi sila papayag na malamangan ng husto sa serye dahil delikadong team ang Lakers.
Tanggap din naman ni Butler na ang superstar na si LeBron James ang pinakamatinding tinik pa rin bago masungkit ang kampeonato.
Sinasabing itatapat ng Miami ang kanilang mga big men bilang pangharang kay LeBron na sina Andre Iguodala, Bam Adebayo at si Butler.
“We’ve been playing a certain way this entire year,” ani Butler. “I think that’s winning basketball for us. Me making sure that everybody’s involved.”