NAGA CITY – Dapat na malabanan ang diskriminasyon na karaniwang nararansan ng mga miyembro ng Indigenous community.
Iyan ang binigyang diin ni Congressman Jill Bongalon, AKO Bicol Partylist Representative sa naging pagharap nito sa mga kagawad ng media.
Ayon pa sa kongresista, hindi pa rin naaalis sa ating komunidad ang diskriminasyon kung saan labis nitong naaapektuhan ang mga Indigenous People.
Aniya, dapat lamang na respetohin ng bawat isa ang kultura at tradisyon ng mga IPs.
Dapat rin naman umano na hindi magkaroon ng lugar sa komunidad ang diskrimisnayon sa paraang pagbibigay ng respeto sa mga kinasanayan ng anuman na grupo na nasa isang lugar.
Ito’y dahil pare-parehas lamang namang mga Bicolano at mga Pilipino ang nasa lalawigan kung kaya dapat walang mangyaring diskriminasyon sa pagitan ng bawan isa.
Samantala, siniguro naman nito na patuloy silang magbibihay ng tulong sa lahat ng sektor lalong-lalo na sa mga IPs na isa sa mga masasabing neglected sector sa lipunan.