Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang nauna nitong desisyon na i-dismiss sa kanyang trabaho si dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Demosthenes Escoto para sa kasong grave misconduct.
Batay sa walong pahinang desisyon ng Ombudsman, ibinasura nito ang mosyon ng kampo ni Escoto na irekonsidera ang naunang desisyon na nagsasabing siya ay guilty para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Ac at grave misconduct.
Dahil dito ay unang ipinag-utos ng anti graft court na tanggalin sa serbisyo si Escoto at dalawa pang opisyal.
Ang kasong ito ay may kinalaman sa vessel monitoring system ng ahensya na nagkakahalaga ng P2.1 billion na kinontrata noong 2018.
Ayon sa Ombudsman, malinaw na nagbigay ng pabor si Escoto sa dalawang kontratista na SRT-France at SRTUK habang siya ay nasa posisyon.
Sa mosyon na inihain ng kampo ng dating opisyal, sinabi nito na nagkaroon ng kabiguan na patunayan na nagkaroon nga ng sabwatan kasama ng dalawa pang kapwa akusado.