-- Advertisements --
Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ng isang opisyal mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na isantabi ang mga ebidensya laban sa kanya kaugnay ng kaso ng nasunog na Kentex factory noong 2015.

Batay sa resolusyon ng 2nd Division na may petsang March 28, nakasaad na bigo si Senior Fire Officer Rolando Avendan na patunayang mahina ang mga ebidensya ng prosekusyon para idiin siya sa reklamo.

Iginiit din ng anti-graft court na sapat ang documentary evidences para suportahan ang salaysay ng tatlong testigo.

Kabilang si Avendan sa pitong kinasuhan ng reckless imprudence resultin in multiple homicide at multiple injuries matapos umanong payagan ang factory na makapag-operate kahit kulang sa safety features.

Magugunitang umabot sa 74 na manggagawa ang nasawi matapos mag-ugat ang sunog sa abo ng welding materials.

Bukod kay Avendan nahaharap din sa kaso ang iba pang opisyal mula sa Valenzuela City government.

“After a careful review of the records of the case and the evidence of the prosecution, the Court denies the motion of accused Avendan. Accused Avendan failed to show that the prosecution’s evidence was insufficient to establish a prima facie case against him,” ani Assoc. Justice Frederick Musngi na lumagda sa resolusyon.