-- Advertisements --

Isinilbi na ang dismissal order para sa mga active PNP officials na pinasisibak na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman dahil guilty sa firearms licensing anomaly at sa pag-release sa nasa 1,400 na mga AK-47 rifles na sana para sa dalawang mining companies at dalawang security agency.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana kaniyang sinabi na batay sa ruling na inilabas ng Ombudsman, nagkaroon ng substantial evidence sa lahat ng mga respondents, puwera na lamang kina C/Insp. Rodrigo Benedicto Sarmiento at NUP Enrique Dela Cruz na hindi nakitaan ng probable cause at dinismiss ang kaso laban sa mga ito.

Dismissed din aniya ang admin case laban kina P/Dir. Gil Meneses, P/Dir Napoleon Estilles at C/Supt. Tomas Rentoy dahil sa lack of disciplinary jurisdiction kasunod ng kanilang pag retiro sa serbisyo.

Habang ang mga opisyal nasa active police service pa ay napatunayang guilty for grave misconduct, serious dishonesty kaya pinasisibak sila sa serbisyo.

Ang mga nasabing opisyal ay sina C/Supt. Regino Catiis, P/Supt. Nelson Bautista, P/Supt. Ricky Sumalde , C/Insp. Ricardo Zapata Jr., S/Supt. Eduardo Acierto, SPO1 Randy Madiam De Sesto, at non-uniformed personnel na si Sol Bargan pawang mga naka assign sa Civil Security Group.

Sinabi naman ni Durana na maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration ang mga sangkot na opisyal sa Ombudsman dahil karapatan nila ito.

Batay sa records ng Ombudsman, inisyuhan ng firearms licenses si Isidro Lozada matapos nitong i-facilitate ang procurement ng nasa 1,400 units ng AK-47.

Nadiskubre rin ng Ombudsman na kulang ang license applications at ang mga nasabing baril ay nadiskubri na nasa pangangalaga ng rebeldeng komunista.

Samantala, ayon naman kay PNP chief Oscar Albayalde na kanila lamang ipinatupad ang utos ng Ombudsman epektibo nitong araw ng Martes.