-- Advertisements --

SARANGANI PROVINCE- Spotted diumano ng isang nagngangalang tisay si Suspended Mayor Alice Gou na nagpapalamig at umniinom ng buko juice sa isang tourist spot sa alabel sarangani province .

Sa panayam ng Bombo radyo gensan kay Jessa, 4 na tao ang kanyang nakita na nakasakay ng motorsiklo at isa na doon ang kanyang pinaniniwalaan na nakita at kamukha diumano si alice gou, aniya may kasama si gou na dalawang lokal na indibidwal at ang isa sa kanyang kasama ay si Mayor Dong Calugay, matatandaan na iniuugnay sdi Calugay kay gou na kanyang kasinytahan pero wala itong kompirmasyon.

Matatandaang binanggit sina Guo at Calugay bilang rumored couple pero hindi pa ito kumpirmado.

Nang ipakita ng Bombo Radyo ang larawan ni Mayor Calugay, kinumpirma ni Tisay na ito ang nakasama ni Guo sa Alta Visa.
Dagdag pa rito, nagbago ang itsura ni Gou dahil nagpakulay siya ng buhok at mahaba ang pilik-mata at naka-face mask noong mga oras na iyon.

At ilang beses nang umalis sa lugar ang pinaniniwalaang si Guo, agad na dumating sa lugar ang mga taga-CIDG. _