-- Advertisements --

Tuluyan nang naaresto ng mga otoridad sa Jakarta, Indonesia ang kontrobersyal na dismissed Mayor Bamban , Tarlac na si Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago ngayong araw sa exclusive interview ng Bombo Radyo.

Napaulat na nakalabas ito ng Pilipinas noong buwan ng Abril kasama si Shiela Guo at Cassandra Ong.

Iniuugnay ang dating alkalde sa mga ilegal na operasyon ng POGO hub sa bansa partikular sa scam hub na sinalakay sa kanyang bayan.

Inaasahang maiuuwi ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.