-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulungan ang bagsak ng isang dating pulis matapos nasangkot sa hold-up incident sa Sara, Iloilo.

Ang arestado ay si dismissed police officer Lyman John Ochenta na nasibak sa trabaho matapos masangkot dahil sa bentagan ng illegal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Norlan Perante, hepe ng Sara Municipal Police Station, sinabi nito na si Ochenta ang suspek sa pag-hold up sa supervisor ng J&T Express at pagtangay ng mahigit P1 million na dala ng biktima.

Ayon kay Perante, sakay ang mga biktima ng motorsiklo at magre-remit sana ng pera ng tinutukan ng baril ng suspek na sakay rin ng motorsiklo sabay deklara ng hold up.

Positibo namang kinilala ng mga biktima ang dating pulis na tumangay ng kanyang pera ngunit at large pa ang kasamahan nito na driver ng kanilang getaway motorcycle.

Mariin namang tinanggi ng pulis ang akusasyon laban sa kanya.

Nabigo naman ang mga otoridad na marekober ang P1.1 million na cash na tinangay ng suspek.

Ang suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong Robbery.