-- Advertisements --

Muling nagbukas sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang taon ang Disneyland sa California.

Nagsagawa ng ilang paghihigpit ang original theme park ng Walt Disney sa kanilang muling pagbubukas gaya ng pagkuha ng temperatura at dapat magsuot ng face mask ang mga magtutungo doon.

Bawal din na yakapin ang mga sikat na mascots ng nasabing theme park.

Magiging bukas lamang ito sa mga naninirahan sa California at mayroong 25 percent ang capacity na pinayagan.

Hindi rin aniya sila magsasagawa ng mga parada, fireworks displays para maiwasan ang pagkumpol-kumpulan ng mga tao.

Itinayo ang park noong 1955 at noong Marso 2020 ay isinara ito dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.