BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Land Transportation, Traffic and Management Office oLTTMO-Butuan Chief PMajor Peter Paul Manatad na itinali nila sa poste ang isang dispatcher ng pampasaherong dyip na dadaan sa JC Aquino Avenue corner J Rosales.
Ayon sa opisyal nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga pumapasadang multicab drivers at operators na sinisingil sila nang malaking halaga ng mga dispatchers kapag may mapasakay itong pasahero.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, nilinaw ni Manatad na bago nila itinali sa poste ang hindi na pinangalang dispatcher ay nagsagawa muna sila ng surveillance upang patutuhanan ang natanggap nilang report.
Napag-alamang hindi makakapalag ang mga drivers dahil may mga back-up silang tauhan na nagmaman-man at nagbabanta sa mga hindi magbibigay ng pera kapalit sa bawat pasahero na napasakay sa kanilang yunit.
Dahil dito’y nanawagan ang opisyal sa lahat ng mga drivers at operators na dumulog sa kanilang tanggapan upang madakip ng tuluyan ang grupo na naghahari-harian sa nasabing lugar.