Umabot na sa 60 ang mga disqualification petition na inihain laban sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni Task Force Anti-Epal Chief at Region 8 Director Nick Mendros na tinatapos na nila ang mga petisyon para makakuha ng mga desisyon laban sa mga kandidato bago ang halalan sa Oktubre 30.
Sa pinakahuling datos, nakapaglabas na ang Task Force ng 4,672 show cause order.
Nakatanggap din ito ng 936 na tugon mula sa mga kasangkot umano sa premature campaigning na BSK bets, na may humigit-kumulang 200 posibleng disqualification petition na isampa para sa summary proceedings.
Iniulat din ng poll body na 326 ang binasura na mga reklamo dahil sa kakulangan ng makatotohanang batayan.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang Task Force Kontra Bigay ay maghahain ng humigit-kumulang 10 disqualification petition laban sa mga kandidato ng BSK na umano’y sangkot sa pagbili ng boto.
Dagdag dito, nagsimula nang magdeliver ang COMELEC ng mga election paraphernalia sa ilang lugar sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.