-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Aabot na sa 22 mga barangay sa bayan ng Pigcawayan ang nabigyan ng ayudang bigas mula sa provincial government ng Cotabato.

Inaasahang magpapatuloy ito hanggang sa susunod na linggo upang makumpleto ang 40 mga barangay sa bayan.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jean Dino Roquero sa mga tao at grupo na nasa likod ng daily rice repacking activity.

Ito ay sa pangunguna nina Jeanie Besana, Dennis Lopez, at Kenneth Delicano na pawang mga empleyado ng LGU.

Gayundin sa mga school heads na walang sawang tumutulong sa pagre-repack ng bigas sa loob ng municipal gymnasium.

Ayon kay Mayor Roquero, hindi rito magtatapos ang ayuda na ibibigay ng ating pamahalaan sa mga mamamayan ng Pigcawayan dahil magkakaroon pa ng susunod na round ang pamimigay ng tigsa-10 kilong bigas sa bawat tahanan sa bayan na manggagaling naman sa LGU.