-- Advertisements --
PUJ LTFRB

Mula nang umpisahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ang pamamahagi ng tulong sa mga tsuper at operator na naapektuhan ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, umabot na sa 20% ang naipamahagi nito.

Target kasi ng naturang tanggapan na makapagbigay ng hanggang P3billion sa ilalim ng fuel subsidy program ng ahensiya.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P605.2million ang kabuuang naibigay ng ahensiya sa mga tsuper at operator sa bansa.

Tanging 92,755 na pampublikong sasakyan pa lamang ang nakakatanggap, mula sa kabuuang 1.3 million na benepisyaryo sa buong bansa.

Una nang sinabi ng LTFRB na magpapatuloy pa rin ang pamimigay ng assistance sa mga apektadong tsuper, sa likod ng ilang linggong magkakasunod na bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.