-- Advertisements --
image 572

Inumpisahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang distribusyon ng mga elelction materials sa ilang bahagi ng Mindanao.

Kinabibilangan ito ng mga “non-accountable Barangay and SK election supplies at ballot boxes” para sa BSKE 2023.

Kabilang sa mga lugar na unang sinimulan ang distribusyon ng mga election materials ay sa bahagi ng Cotabato kung saan 14 na bayan nito ang nabigyan na ng mga naturang kagamitan.

Unang dumating ang mga naturang kagamitan nitong nakalipas na buwan sa naturang lugar, na namalagi sa pangangalaga ng mga otoridad.

Magtutuloy-tuloy na rin ang pamamahagi ng mga election materials sa iba pang mga lugar sa Mindanao, kasunod ng pagtiyak ng COMELEC na tuloy ang BSKE sa mga lugar sa bansa, kahit pa sa mga lugar na maituturing na high-risk areas.