KORONADAL CITY – Ipapatupad ang suspension sa distribution at retrieval ng modules ng mga estudyante sa bayan ng Surallah, South Cotabato matapos na naitala ang pagpositibo ng ilang guro sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Leonard Ballon sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Ballon, magiging epektibo ito simula bukas Mayo 1 hanggang Mayo 14, ayon na rin sa inilabas na Executive Order No. 16 Series of 2021 ang alkalde ng bayan ng Surallah na si Mayor Antonio Bendita.
Lumabas umano sa pagpupulong ng Municipal Inter Agency Task Force (IATF) na mga guro o empleyado ng Department of Education (DepEd) ang mga nagpositibo matapos na dumalo ang mga ito sa mga pagtitipon gaya ng seminars at trainings.
Dagdag pa ng opisyal, sa 47 na mga gurong isina-ilalim sa rapid test nitong Huwebes ,ilan sa mga ito ang nagpositibo sa covid.
Mayroon namang 50 mga guro na isinailalim naman sa rapid test ngayong araw at hinihintay pa ang mga resulta.
Maliban sa pagtutok sa mga guro sa nabanggit na lugar ay mga mga restrictions na rin na ipapatupad sa mga nagbebenta sa palengke at mga satellite market’s gayundin sa mga commercial establishments.