CENTRAL MINDANAO – Nagkakahalaga ng P30 milyon ang ilalaan saitatayong district hospital sa bayan ng Banisilan, North Cotabato.
Ito ang kinompirma ni Banisilan Municipal Mayor Jesus Alisasis.
Ang pondo ay nagmula sa Local Government Unit (LGU), provincial government at mga opisyal ng bansa.
Masaya naman ang mga residente sa bayan ng Banisilan sa inisyatibo ni Mayor Alisasis na maitayo ang isang district hospital na malapit lamang sa kanilang bakuran.
Hirap kasi ang mga taga-Banisilan kung may magkakasakit sa kanilang pamilya dahil dadalhin pa ang pasyente sa karatig lugar na may pagamutan.
Samantala, kahit mag-uumpisa na ngayong araw ang General Community Quarantine sa probinsya ng Cotabato mula sa enhanced community quarantine ay hinigpitan pa ang mga COVID-19 checkpoint sa mga entry at exit points.
Sa ngayon ay nanatiling COVID free ang bayan ng Banisilan.