-- Advertisements --

Sinibak na sa pwesto ni PNP chief D/Gen. Ronald Dela Rosa ang district director ng Northern Police District (NPD) na si C/Supt. Roberto Fajardo kasunod nang pagkapatay sa Grade 11 student na si Kian Delos Santos.

Ayon kay Dela Rosa ang pagkakasibak  kay Fajardo sa pwestro ay dahil sa command responsibility bilang commander ng NPD.

“Dahil sa nangyari kasama na ang command responsibility sa kaniya para mabilis yung pag imbestiga ng kaso,” ani ni Dela Rosa.

Epektibo ngayong araw ang administrative relief order ni Fajardo habang ongoing ang investigation.

Ito ay para bigyang daan ang impartial investigation.

“Si Gen Fajardo administrative relieved while the investigation is going on para to give way to an impartial investigation para matapos ang investigation kaagad,” wika ni Dela Rosa.

Pansamantalang ilalagay muna si Fajardo sa Admin Holding Unit sa Camp Crame.

Pansamantalang itinalaga ni Dela Rosa bilang acting district director ng NPD ay si S/Supt. Bersaluna ang hepe ng RPHAU ng NCRPO.