-- Advertisements --
ILOILO CITY – Lumantad ang isa sa mga tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na guro ay sinibak sa tungkulin dahil sa kurapsyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Janet Champlon ng Barangay Lanag, Sta. Barbara, Iloilo, nilinaw nito na hindi siya guro kundi dating barangay treasurer.
Ayon kay Champlon, sinampahan siya ng kasong grave misconduct at serious dishonesty ni Punong Barangay Hermenegilda Jaranilla noong 2016 at naglabas ng desisyon ang Office of the Ombudsman kung saan kinatigan ang reklamo ng opisyal.
Anya, nagdulot ng sobrang kahihiyan ang pagbanggit ng pangulo sa kanyang pangalan sa public address nito.
Sa ngayon may pending pa na kasong falsification of public document si Champlon.