Isinalang na sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality ang nakabinbing Divorce Bill sa mataas na kapulungan.
Ayon kay committee chairperson Sen. Risa Hontiveros, sakop ng pagdinig ang panukalang kikilala sa termination of marriage kahit nailabas ang degree sa ibang bansa.
Nais ding himayin dito kung paano mapapadali ang absolute divorce at dissolution of marriage, alinsunod sa umiiral na kultura sa ating bansa.
Paksa rin sa public hearing ang panukalang kilalanin ang church annulment decree, maging sa pangkalahatang epekto nito sa aspetong sibil.
Samantala, naging emosyunal naman si Len Arcilla nang ikukwento sa komite ang sinapit sa asawang nang-iwan sa kanila.
Sa kabila raw kasi ng pagkakaroon nito ng ibang kinakasama, kailangan niyang pagtiisan dahil hindi naman naalis ang pagiging kasal nila.