Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagkakaroon ng divorce law sa bansa kung saan binigyan diin ni Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez ang karapatan ng mga Pilipinong maggagawa na kumawala sa abusado at toxic na relasyon.
Dagdag pa ng mambabatas, ang divorce ay realidad at kailangan itong marecognize sa bansa nang sa gayon ay makabuo ng legal framework dito.
Kailangang maprotektahan sila ng batas sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay maging sa kanilang personal na relasyon.
Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce sa Pilinas na kung matatandaan, ang nag iisang bansa bukod sa Vatican na illegal ang divorce.
Base sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, halos kalahati sa labor force ng bansa ay kasal o may asawa.
Para doon sa mga nagdurusa sa hindi masayang relasyon, ang stress ay malaki ang magiging epekto sa kalidad ng kanilang trabaho..
Ang ilan sa mga ito ay nakakaranas ng health problems tulad ng depression at anxiety.
Naniniwala ang mambabatas na ang mga Pilipinong maggagawa ay dapat magkaroon ng oportunidad na tapusin ang kanilang toxic na relasyon sa legal na proseso nang sa gayon ay mapagtuonan nila ng pansin ang kanilang career at maabot ang full potential sa kanilang trabaho.