-- Advertisements --

Nagkasundo na ang mag-asawang Jeff Bezos at MacKenzie ng divorce settlement na umaabot sa $35 billion.

Matapos ang nasabing settlement ay kapwa nag-tweet sa kanilang social media accounts ang dalawa upang ibalita ang positibong resulta ng kanilang paghihiwalay.

Jeff Bezos/ Twitter

Masaya rin namang kinumpirma ni Mackenzie ang kinalabasan sa hatian ng kanilang kayamanan at mga interes sa negosyo.

Kung maalala itinatag ni Bezos ang online company na Amazon noong 1994 sa Seattle, isang taon matapos ang pagpapakasal nilang dalawa.

May apat na anak ang 55-anyos na si Bezos at 48-anyos na novelist na asawa.

Sinasabing nahigitan pa ng dalawa ang divorce deal record na naitala noon nina art dealer Alec Wildenstein at asawang si Jocelyn na umabot sa $3.8 billion.

Ilan din sa mga kilalang may malaking divorce settlement ay ang paghihiwalay nina media tycoon Rupert Murdoch sa pangalawang asawang si Ann Torov na pinagbayad ng $1.7-billion noong 1998, ang paghihiwalay ng actor na si Mel Gibson sa asawa sa loob ng 30 taon na pinagbayad ng $850 million noong 2009, ang pagbayad ng singer na si Madonna ng $92 million sa asawang British film director Guy Rithcie matapos ang walong taong pagsasama noong 2008 at ang pagbayad ni dating Italian prime minister Silvio Berlusconi sa asawang si Veronica Lario na aabot sa mahigit $40 million noong taong 2012.