Binigyang-diin ng grupong Buhay ang People Power Campaign Network na nananatiling buhay ang diwa ng EDSA People Power Revolution sa bansa.
Ayon sa co-convenor ng grupo na si Kiko Aquino Dee, nasa kamay ng mga Pilipino na tiyaking buhay ang EDSA spirit.
Nakasalalay din aniya sa mga mamamayan ang pagpapalakas sa pundasyon kung saan nakabatay ang EDSA at tiyaking mananatili ito sa diwa at ala-ala ng bawat Pilipino.
Una nang nag-alay ng misa ang grupo sa EDSA Shrine pra sa ika-39 na anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.
Ayon kay Aquino-Dee, ang EDSA People Power Revolution ay nagpakita ng lakas ng pagtutulungan ng mga mamamayan para sa anumang nais mangyari sa gobiyerno, mula sa paghalal ng mga lider hanggang sa pagprotekta sa karapatang pantao atbpa.
Giit nito, mananatili ang diwa ng tinaguriang ‘Tahimik na Rebolusyon’ at patuloy magpapatuloy ang kahalagahan ng EDSA spirit: ang hindi pagka-kuntento ng mga mamamayang Pilipino sa gobiyerno.