-- Advertisements --

Agaw pansin sa paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang pares vendor na si Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata.”

Naghain siya ng CONA para sa Vendors Partylist bilang 4th nominee ng grupo.

Nang matanong kung magbibigay siya ng unli pares sa Kamara, tugon nito, “ay bakit hindi kung gusto nila. Mag-a-unli rice tayo doon, with free softdrinks pa.”

Una rito, nasa 15 partylist organizations na rin ang nakapaghhain sa Comelec sa unang araw pa lang ng COC filing.