-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa karsel na ngayon ang isang band drummer, isang Dj o Disc Jockey at dalawang iba pa matapos nahuli sa anti-illegal drug operation sa Barangay Mahogany, Butuan City.

Nakilala ang naaresto na sina Christnnyleth Daniel Tibay, isang street-level individual at band drummer na siyang target habang tatlo nitong mga kasama na nahuling nag-pot session ay sina Alexander Briane Ordona Llave, Disc Jockey sa isang radio station sa Butuan; Lynben Gamelo, isang photo editor at si Melvel Dotollo.

Ginawa ang operasyon sa pamamagitan ng implementasyon sa Search Warrant number 2024- 01-17-02 dahil sa paglabag sa R.A 9165 na inisyu sa presiding Judge sa RTC 10th JUDICIAL REGION Branch 33 BUTUAN CITY.

Ang operasyon ay pinangungunahan ni Police Major Aldrin Camo, leader sa City Drug Enforcement Unit sa Butuan City Police Office kasama ang Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit at Butuan City Police Station-1.

Nakuha sa otoridad ang 4 na sachet sa suspected shabu na may bigat na 5 gramo at nagkakahalaga ng 34,000 peso. Kasama sa nakuha ang iba’t ibang illegal drug paraphernalias.

Nasa kustudiya na sa Butuan City Police Station 1 ang mga naaresto parea sa tamang disposasyon.