-- Advertisements --

Kinumpirma ni DJ Mohan Gumatay o kilala bilang si DJ Mo Twister na hiwalay na sila ng asawang si Angelika Schmeing o kilala bilang si Angelicopter.

Unang ibinahagi ni DJ Mo ang paghihiwalay nila noon pang Hunyo kasabay ng kanilang anibersaryo ng kasal.

Sinabi nito na siya ay parang itinapon noong kanilang third wedding anniversary.

Nagbigay pa ito ng dagdag na detalye nitong Hulyo at sinabing wala ng pagkakataon na sila ay magkakabalikan pa.

Itinanggi rin nito na mayroong third party ang dahilang ng kanilang hiwalayan.

Magugunitang noong Hunyo 2021 ng ikinasal ang dalawa sa Iceland.

Mayroon silang anak na babae habang may nakakatandang anak na lalaki si Angelika.