-- Advertisements --

DAVAO CITY- Patay ang isang Disc Jockey ng 103.5 Barangay FM sa RGMA matapos mabangga sa isang tanker sa may Dumoy, Toril nitong lungsod.

Nakilala ang biktima na si Orlando Maratas II o mas nakilala na si Papa Bench o Papa Benjo, residente ng Manggahan Toril nitong lungsod.

Una nito nakaranas ng pag-ulan ang siyudad ng mangyari ang aksidente.

Sinubukan pang iligtas ang biktima ngunit nalagutan na ito ng kanyang buhay.

Labis na ikinalungkot ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at kamag-anak ang sinapit ng biktima.

Nasa kustodiya naman ngayon ng kapulisan ang driver ng tanker at nakatakdang sampahan ng kaso.

Nagpaalala ang otoridad na sa mga motorista na mag-ingat sa pagmaneho lalo na at ilang araw ng nakaranas ang lungsod ng mga pag-ulan.