-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Wimbledon sina Novak Djokovic at Roger Federer.

Tinalo kasi ni Djokovic si Cristian Garin ng Chile sa score na 6-2, 6-4 at 6-2.

Habang binigo naman ng Swiss tennis star na si Federer si Lorenzo Sonego ng Italy sa score na 7-5, 6-4, 6-2.

Si Federer ang itinuturing na pinakamatandang tennis player na makapasok sa quarterfinals ng nasabing torneo.

Susunod na makakaharap ni Djokovic si Marton Fucsovics ng Hungary habang susunod na makakalaro ni Federer ang sinumang manalo sa pagitan nina Daniil Medvedev o Hubert Hurkacz.