-- Advertisements --

Hindi nagpahayag ng pagreretiro si tennis star Novak Djokovic.

Kasunod ito sa matagumpay na operasyon sa kaniyang kanang tuhod.

Nakamit ng 37-anyos na Serbian tennis star ang injury sa five-set na panalo laban kay Francisco Cerúndolo sa French Open.

Giit nito na kapag tuluyan ng gumaling ang kaniyang naoperahang tuhod ay magbabalik na ito sa paglalaro.

Target nito kasi na makuha ang 25th grand slam title sa French Open at ang pag-atras niya sa nasabing torneo ay malalalaglag na siya sa pagiging world number 1 kung saan mapupunta ito kay Jannik Sinner sa unang pagkakataon.