-- Advertisements --

Binigo ni Daniil Medvedev si world number one tennis player Novak Djokovic sa ATP Finals.

Walang kahirap-hirap ang 24-anyos na tennis player para talunin ang 17-time grand slam champion sa score na 6-3, 6-3 para makaabanse sa semifinals.

Dahil dito ay naipanalo na ni Medvedev ang tatlo sa huling apat na paghaharap nila ni Djokovic.

Maraming mga unforced errors kasi ang nakamit ng Serbian player na aabot sa 24 kaya ito sinamantala ng Russian tennis player.

Inamin nito na noong bata pa lamang siya ay pinapanood na niya ang Serbian tennis player.

Susunod na makakaharap nito si Rafael Nadal o Stefanos Tsitsipas sa semifinals.

Maaari pang makpag-qualify si Djokovic sa knockout stages kung matatalo niya si Alexander Zverev sa susunod na round.