-- Advertisements --
Pinuna ni tennis star Novak Djokovic ang mga anti-doping system sa nasabing sports.
Sinabi nito na nagkakaroon ng ‘favoritism’ at nakakasira sa tennis ang nasabing anti-doping system.
Dagdag pa ng Serbian tennis star, marami na itong nakausap na kapwa tennis player at hindi sila kuntento sa paghawak ng anti-doping agency sa mga kaso.
Pinakahuling pinatawan ng tatlong buwang suspensio ay world number 1 Jannik Sinner mula Pebrero 9 hanggang Mayo 4.
Nagbunsod ang kaso ni Sinner matapos na magpositibo sa pinagbabawal na substance na Clostebol noong Marso ng nakaraang taon.