-- Advertisements --
Novak Djokovic
Novak Djokovic/IG post

Target ni Novak Djokovic na maging pinakamatagal na maging world number 1 at manalo ng karamihang Grand Slam titles.

Umaabot na kasi sa 17 Grand Slam titles ang hawak ni Djokovics kung saan mayroong 282 na linggo na itong nasa number 1.

Sinabi nito na kaya niyang maabot ang record na may pinakamatagal na pananatili sa numero uno.

Magugunitang nasa unang puwesto na si Djokovic bago magkaroon ng coronavirus pandemic sa buong mundo.

Nakuha nito ang ATP Cup sa Serbia, walo sa Australian Open title at limang panalo sa Dubai Tennis Championships.