-- Advertisements --

Handang isakripisyo ni tennis star Novak Djokovic ang trophies kapag ito ay piliting magpabakuna laban sa COVID-19 sa mga torneo na kaniyang sasalihan.

Sinabi ng Serbian tennis star, na hindi naman siya dapat ihanay sa mga ant-vaccination subalit suportado niya ang mga tao na mayroong karapatan itong mamili.

Sakaling mandatory requirement aniya ang COVID-19 vaccine sa French Open at Wimbledon ay handa nitong itaya ang tropeo sa pamamagitan ng hindi pagsali.

Magugunitang na-deport ang 20-time Grand Slam champion sa Australia noong nakaraang buwan matapos na kanselahin ang kaniyang visa dahil sa hindi nito pagsiwalat kung naturukan na ba siya ng COVID-19 vaccines.

Nakakuha aniya ito ng medical exemptions sa Tennis Australia kaya umaasa itong makapaglaro noon sa Australian Open.