Muli na namang na-detain ang kontrobersiyal na world’s number 1 tennis player na si Novak Djokovic sa Melbourne, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Australian Open.
Ito ay matapos na kanselahin ng Immigration minister ang kanyang visa dahil ang kanyang presensiya ay baka magpalakas daw sa mga anti-vaccine groups.
Ang hindi pagiging bakunado ang puno’t dulo sa inaaning iskandalo ng tinaguriang “Joker.”
Sa darating na Lunes ay didinggin ang apela ni Djokovic at dito na malalaman kung siya ay ipapa-deport o kaya ay papayang maidepensa ang kanyang korona sa Australian Open.
Samantala, nagawang mapakiusapan umano ng legal team ng tennis superstar ang Immigration office ng Australia na ‘wag na lamang siyang ikulong pero babantayan pa rin siya ng Australian Border Force.