-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Serbian tennis star Novak Djokovic na mulang makapaglaro sa US.

Ito kasi ang unang pagkakataon niya na makatapak sa US mula noong 2021 dahil sa COVID-19 vaccine requirement.

Nagmatigas kasi si Djokovic na hindi siya magpapaturok ng COVID-19 vaccine kaya hindi siya pinayagang makapaglaro sa US.

Huling laro nito sa US ay noong 2021 US Open ng talunin siya ni Daniil Medvedev sa final.

Nakatakdang maglaro ito sa Western at Southern Open sa Cincinnati sa Ohio bago ang pagsabak sa US Open.