-- Advertisements --

Kinumpirma ni tennis star Novak Djokovic na ito ay maglalaro sa US Open.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan at tinapos ang spekulasyon na ito ay hindi na maglalaro sa nasabing torneo.

https://www.instagram.com/p/CD0_V4PnBlR/

Sinabi ng 17-time Grand Slam champion na isang hamon ngayon ang paglalaro sa mga torneo dahil sa coronavirus pandemic.

Hindi nito maitago ang kaniyang kasabikan sa paglalaro.

Gaganapin ang torneo sa New York sa darating na Agosto 31.

Ang nasabing anunsiyo ay ilang araw ng nagpahayag ito ng pagdududa na matutuloy pa ang nasabing torneo dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magugunitang ilang mga sikat ng tennis player ang umatras sa paglalaro sa US Open na kinabibilangan nina four-time champion Rafael Nadal at woman’s world No. 1 Ashleigh Barty at Nick Kyrgios.