-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng Wimbledon si Novak Djokovic.

Tinalo kasi ng Serbian tennis player si Italian Lorenzo Musetti sa straight set para maabot ang ika-10 Wimbledon final.

Ipinakita ng 37-anyos na si Djokovic ang kaniyang lakas laban sa Italian na tennis player sa score na 6-4 7-6 6-4.

Makakaharap ni Djokovic sa finals si Carlos Alcaraz.

Itinuturing na ang paghaharap ng dalawa ay bilang rematch noong nakaraang taon.

Unang nakuha ni Alcaraz ang kaniyang Wimbledon title at ikalawang grand slam overall ng talunin si Djokovic noong nakaraan taon matapos ng Wimbledon ay nagkampeon ang 21-anyos na si Alcaraz sa US Open.